i'm not yet supposed to write this kasi naman di pa tapos ang unang linggo ng classes ko, dahil may pasok pa ako bukas. at di dapat ako nasa harap ng pc kasi may gabundok pa ako ng notes na irerewrite. :)) anyhow, eto ang aking evaluation sa first week of classes... attendance. in terms of attendance, perfect pa so far. (achievement!) yup, walang late, walang absent. di katulad nung previous two sems na first meeting pa lang late na. hehe. (at di katulad nung 2nd sem last year na first week pa lang may na-cut na ako. pero valid excuse ko dun. nasa our ako nun, nagpapa-assess. but still.) hopefully ma-maintain ko ang perfect attendance lalo na't may subjects ako ngayon na may incentive para sa perfect attendance (at para na rin wala akong problemahin kapag may subject akong sagad na ang absent.) eee 13. well, sa lec pa lang kami nagmeet, at bukas pa ang lab, kaya i cannot say for now kung magiging maayos ang eee13 ko. pero for the lec part, medyo kwela naman si ma'am roma... so sana naman mas may gana akong makinig sa kanya compared nung kay tiggy. (ilang beses nga ba ako nakinig sa lecs ni tiggy?) eee33. ano nga ba talaga ang first name ni sir solis? well, habang di ko pa alam, lolit muna tawag namin sa kanya. i love his teaching technique. kasi parang naging philo na ung lec eh. talagang mapapaisip ka kasi ang hilig niyang magbigay ng mga hypothetical questions (at feeling ko walang real nullator at norator. theoretical elements lang ata sila.) pero sana naman hindi ganun kabagal ang pace ng discussion. kasi parang ang dami ng pag-aaralan sa 33 eh. kami ang madadale pagdating ng exam. as for the disc part, di ko alam kung bakit, pero parang sir talampas reminds me of sir mardan (nung math 6, at hindi nung geom.) haha. from the way na ihandle nya kami sa class, i doubt mabobore ako dun. eee34. excited na ako maghawak ng stuff! next week may experiment na kami. kaya musta naman. although 1 unit lang siya, super important daw ng role ng 34 sa labs in the sems to come (assuming umabot ako dun. >.<) pero sana nga. and honestly, medyo kinakabahan ako sa subject na ito kasi dito ako may pinakamaliit na kumpiyansang makakuha ng uno. (yes, less confident ako dito compared to math54 or even eee33. ewan ko kung bakit.) kas1. and super enjoy ako sa kas1 ko. although hindi pa kami nagsisimulang magdiscuss ng lesson mismo, kwela ang prof ko (ang pangalan nga pala, by the way, is kristoffer esquejo). as in. (may previous post ako tungkol sa kanya.) kas1 na siguro ang GE na pinaka-love ko. (bukod sa cw10. wala na akong ibang nagustuhang GE. lalo na ang kas2. :)) ) math 54. gets ko pa naman so far ang math 54. kaso nga lang ayoko kay leyson. (kahit na-meet niya ang super taas na standards ko sa handwriting) nagtatawag sa klase, at kapag pinapunta sa board bawal magdala ng papel. kaya pag natawag ka tapos di mo pa alam ung solution sa problem na pinapagawa sa 'yo, patay ka. sana nga ma-conquer ko rin ang math na ito. kasi feeling ko mahirap makakuha ng uno kay leyson. (wala pang cwts kasi sa monday pa ang sched ko nun.) non-acad stuff. oo na. pangit buhok ko. :)) magpakalbo kaya ako para umayos ito. kaso nga lang magpapa-id pa ako eh. parang cute kasi nung centennial id. at dumugo ilong ko kanina nang mag-impose ng english-speaking zone si melai kanina. *conyo accent* and since i'm not that fluent in english, it's like hard to comprehend what they were communicating earlier. *nosebleed*. ah basta. at musta naman ang countdown clock sa eng'g. nagcountdown na sila para centennial ng up next next year. di naman siguro sila excited. (729 days,... to go.) at friday the 13th pala ngayon. kaya pala super tanga mode ako kanina. pero di ako minalas. (kasi twing monday the 13th ako super minamalas. hehe.) namugad rin ang pisay08 sa up! (eh saan pa ba mamumugad ang pisay kung hindi sa up?) ang dami kong nakitang kilala ko. by name. by face. personally. best friends at busmate namin ni *ehem*. ung nabigyan ng pisay diploma kahit may singko (ayon sa rumors na nakuha ko. di ko pa nakoconfirm kung siya nga un.) ah basta. ang dami nila. pero wala namang hottie na freshie. :)) i guess sa 09 na lang ako maghahanap. (di pa naman ako pedo sa 09 kasi halos ka-edad ko sila. maraming 08 ang mas matanda sa akin eh.) OVERALL: maganda ang unang linggo ng sem na ito para sa akin. and hopefully maging maganda ang buong sem ko. i dunno why, pero parang feel ko aabot ako sa super taas na gwa ngayong sem. (higher than last sem's gwa, hopefully.) i have to admit, bumabalik na ung ultimate pagka-gc ko na nung high school ko huling naranasan.
metamerism reminisced his memories
|7:05 PM|