di tulad sa Pisay, pag friday night, masaya. kasi pwede ka nang magpuyat dahil sa gusto mong magpuyat, hindi dahil sa napipilitan ka. makakapanood ka ng kahit anong gusto mo nang hindi muna iniintindi ang ano mang acad-related. ngayon..since may klase ako sa sabado, wala. di ko xa nagagawa. oh well. andyan naman ang tuesday nights. pero iba pa rin kapag friday night at free ka ng 2 araw.
ang malala..isa lang ang klase ko tuwing sabado. 2 oras lang. PE pa yun. wala lang. pupunta ako ng UP sa sabado ng 2 oras para lang maglaro. sulet ang pamasahe at panglunch ko. oh well. kaysa naman wednesday na pwedeng makabanggaan pa ang ano mang activity.
gusto ko ngang lumabas eh. malapit nang ipalabas ang Harry Potter. gusto ko sana IMAX eh. pero poverty ako ngayon. shocks. di pa pala ako nagbubukas ng ATM account. sayang naman ung stipends ko pag di ko nakukuha. mas mataas pa naman xa compared sa stipends ko nung sa Pisay.
haay...gusto kong itulog ang lahat. lahat ng problema ko. lahat ng gusto kong mangyari pero di ko magawang mangyari. lahat ng kinaiinisan ko. lalo na yung ES 1. di naman sa di ko nagegets. pero yung may nakakaalam agad kung paano tapusin ang plate bago ko xa maisip. di naman sa kelangang ako agad ang makakaisip. di naman ako ang pinakamatalinong tao sa mundo eh. yun point ko lang yung napipilitan akong kopyahin yung sagot dahil di ko makuha, tapos kung itanong ko kung paano nagawa eh napakasimple lang. rawr! ang stupid ko.
di naman ako galit sa mga nakakaisip agad eh. di lang naman ako ang "master" sa block namin eh. (sa rubiks cube siguro oo. joke. master din naman si enri.) andyan si nikko, si adrian, at napakadami pa. kaya mali ung sinasabi nilang super talino ng mga Pisay people. advanced lang curriculum namin pero it does not mean na advanced din kami. (post hoc fallacy ba ito?) may practically an extraordinary school dahil sa extraordinary ang acads pero ordinary ang students. (di naman lahat nerd eh.)
ano nga ba ang kinalaman nito sa friday night? sorry. nagdeviate na naman ako. parati naman eh. haay. weekend. kay sarap ng feeling. more time to enjoy things other than acads (kung na-eenjoy mo nga xa). buti 2 oras lang ang classes ko sa sabado. kaya parang wala lang. after nun eh fun fun time na!
ang daming nangyari ng week na ito. andyan ung unang plate sa ES 1 na di ko agad nagets kung paano sagutan (rawr!), andyan ang aming movie sa bio na ang title ay "Understanding Sex". ["We males are more than bags of sperm..."]. andyan din ang movie na tungkol kay Abraham (para sa group presentation ng Kanlurang Asya sa Kas 2), mga tambay hours sa tambayan ng UP Circuit (naka 3 hrs and 50 minutes na ako! 26 hours and 10 minutes na lang.:D), ang test sa Math 17, at ang results nun (thank God at perfect ako.:D sa mga nakabasa ng stat message ko sa YM the night before the test, ung "kapag na-uno ko ang Math 17 exam,..." in this case, nauno ko xa... "...isa lang ang ibig sabihin nun. pinahirapan nga kami ni ma'am b****. di ko pwedeng banggitin dito kung sino xa kasi nasa UP na xa ngaun. baka pagtripan ako pagdating ng mga susunod na math.), andyan ang pagmap ng academic oval at ang lagpas dalawang libong steps around the oval at ang patigil-tigil na lakad kasi ANG DAMING ACACIA TREE (ung are required sa aming bilangin.), at madami pang event. at least nakapagbond pa ako lalo sa mga blockmates ko [ISSUE!!!], sa mga mems ng UP Circuit, at sa kung sino pa.
oh well. tapos na ang linggong ito. ano kaya ang mangyayari sa susunod na week? parating tandaan na hindi literal ang ibig sabihin ng weekend. it is merely a transition period between two action-packed weeks. the end of one week is the beginning of the next.:D
hanggang dito lang muna. may pasok pa ako bukas eh. sige. salamat sa pagtitiyagang pagbasa ng article na ito up to this point. sana ay basahin nyo rin ang ibang mga entries ko. at sana magtag din kayo.:D
metamerism reminisced his memories
|10:22 PM|