sorry na. bangag na agad ako. umaga pa lang, bangag na ako. anong oras na ba? 6.30?! di pa nga ako pumapasok eh bangag na ako... parati naman. lalo na nung high school. may times na paggising pa lang ay bangag na ako. lalo na paggising mo eh alam mo nang iniwanan ka na ng service mo at kelangan mong magcommute papunta pisay... at saktong may PE (minsan CAT) ngayong araw at magdadala ka pa ng isa pang bag...
pero ngayon, bangag ako dahil wala lang. pangit tulog ko kagabi eh. [wala kau magagawa dun.] may 2 oras pa naman ako bago magklase, which means may 30 minutes pa akong magsulat dito... grabe. long time no post. mag-iisang buwan na pala ung huling post ko. pero eto ang unang beses na hindi ako nakapagpost agad dahil sa tinatamad ako. hindi dahil sa subsob sa requirements. wala na ako sa pisay. nasa UP na ako. although may requirements pa rin, hindi na bumabaha. sa pisay, when it rains, it pours (and overflows.) sa UP, when it rains, it gets wet. yun lang. :D
naninibago pa rin ako dahil konti lang ang ginagawa namin.. kadalasan nga, ang pinagkakaabalahan ko sa isang araw (kung hindi ung mga dilaw na plates namin sa ES 1) ay ang pagrerewrite ng notes ko. sorry. OC ako. inaamin ko. [pero given na ata yun eh.] hindi katulad sa pisay. ang pinagkakaabalahan ko sa isang araw (kung hindi ang mga sangkaterbang requirement sa STR) ay ang baha ng requirements mula sa sandamakmak na subjects.
so basically mas free ako ngayon... pero hindi pa ako nakakatapak sa isang mall simula nang nag-UP ako. hindi ko nga alam kung bakit eh. kahit man lang SM North o ang TriNoma (on the other side of the road), di ko mapuntahan. maski ang gateway, glorietta, at ang MOA (na hindi ko pa napupuntahan ever.) [nakakaawa naman ako... nadaig na ako ng nakababata kong kapatid na 3 beses nang napuntahan un... at least napuntahan ko na yung TriNoma twice bago magpasukan at xa hindi pa.. :D]
malapit nang mag-7. mag-aayos na nga ako. baka di ulet ako umabot ng Geog 1. dapat kasi Kas 2 ung first subject parati sa umaga para mas mahahaba ang tulog ko. total, d*d*n* l*p*r lang yan eh. joke po. sorry po. ay gusto nyo ba ng mga 99.99% corny jokes nya? ung katulad nung mga hinihirit ni sir sh*rwin.. [joke. di ko nga alam kung bakit ang sama ko kay sir sh*win... after nya akong bigyan ng 1.25 sa math 5...] sige. meron akong isang super naalala...
"Alam nyo ba ung taiga," (referring to the coniferous forest) "sikat yan eh. You know, si Taiga Woods, ung golfer?..."
sabi ko sa inyo corny eh. eto ang nakukuha namin after ng super nakakapagod na pag-akyat sa AS hanggang top floor. [sulet, di ba?!] daig pa nya ata si sir sh*rwin eh. mas matatawa ka sa mga jokes ng Kas 2 prof namin dahil sa effort. in other words, mas corny ang jokes ni Prof. Kas 2. [tumunog ang alarm clock ko.. whaaaaattt!!!!!] shocks.. 7 na! kelangan nang mag-ayos! Kas 2 prof kasi. nadistract ako. sige. hanggang dito lang muna. maghahanda na ako. papasok na ako!:D
metamerism reminisced his memories
|6:33 AM|