6.04.2007
::countdown to pasukan..::
8 days to go at pasukan na sa UP.. grabe.. ang bilis ng panahon. parang kelan lang na nasa pisay pa ako, at nabilang sa "most bonded section" (asan nga ba ang topaz?), sa dahlia (cavemen!), sa lithium (overnight!!!), at sa electron (ORDER!!!). parang kahapon lang na kinanta ko ang pisay hymn for the last time sa gym. parang kahapon lang din na nagpahirap ako ng mga estudyante sa headstart..
well, nagfirst day of classes na ang pisay kanina. well, parati nmang maaga ang pasok sa pisay eh. musta na kaya dun? sana naman maging maayos ang pamamalakad ng '08 sa pisay. katulad ng maayos na pamamalakad ng '07. (well...)
ayun. i'm still kinakabahan sa mangyayari sa akin. in 8 days ay ganap na akong freshman sa UP. tuluyan ko nang iiwan ang pisay sa aking likuran.. ang pisay kung saan natutunan kong magcram at magpakaOC.. ang pisay kung saan nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan, kung saan naranasan kong bumagsak sa isang perio, kung saan madami akong naexperience na firsts...
sana nga ay maging kasingsaya ang aking stay sa UP katulad ng aking pamamalagi sa pisay. oh well.. in 8 days ko pa malalaman.. sige. hanggang dito muna. sa lahat ng '07 na papasok sa UP Diliman, kita kits!
metamerism reminisced his memories
|9:27 PM|