haay... kay bilis ng panahon, 'no.. (at kay bagal ng internet connection ko.. ang tagal ng dinadownload ko eh wala pang 5 mb un.. anyway..) bukas ay magpapasukan na. (bukas nga ba? sori talaga. di ko alam.)
mixed reactions ako.. partly excited kasi makikita ko n muli ang pisay, ang electron, ang 07,... at malungkot kasi parang super ikli nung bakasyon. isa pa, di pa ata ako handa na tumanggap muli ng mga baha ng requirements..
parang kahapon lang yung paskorus.. parang kahapon lang ang pasko.. at parang kahapon lang ang new year.. actually..kahapon nga. :) pero the point is tapos na ang bakasyon. tapos na ang halos isang buwang wala sa pisay.. halos isang buwang hindi nakapaglakad sa mga corridors sa shb o sa astb.. (except sa mga intel people na nagtagal pa ng isang linggo sa pisay).
sadyang kay bilis ng panahon.. di na lang natin mamamalayan andyan na ung econ long test about keynesian thingy.. (nakalimutan ko na talaga. mamaya pa ako mag-aaral ng econ. after nito.) or ung long test tungkol sa hinayupak na libro ni victor hugo (nirerespeto ko po ang mga patay.. naiinis lang ako kasi di ko maintindihan ung first part.. bobo na kasi ako. pasensya.).. di na lang natin mamamalayan na ymsat na.. at time n para iset up ung tarpaulin para sa str.. ang everything... di na lang natin mamamalayan na gagraduate na pala tayo!!! (ayoko na.. nakakaiyak na.)
oh well. kung pasukan na talaga bukas (bukas nga ba talaga!!! sabihin nyo sa kin kung hindi...) wala na tayong magagawa kundi sa harapin ito. maayos ko na nga gamit ko.. ayokong malalate pa ako bukas dahil lang sa mag-aayos pa ako ng gamit ko..
cge.. hanggang dito na lang. see 'ya all bukas!!! happy new year ulet!! :)
KUNG HINDI NGA TALAGA BUKAS AY PAKISABI SA AKIN. pasensya na kung makulit kasi hindi talaga ako sigurado. magtatanong na rin ako para di kayo maabala kung saka-sakali...
metamerism reminisced his memories
|1:42 PM|