new year na!
of course.. tradition na ang gumawa ng new year's resolution.. in my case.. hindi resolution.. kundi resolutions. oo. resolutions. kasi hindi naging maganda ang 2006 sa akin. well, although may mga achievements akong nagawa, like nakasama ako sa mga interschool contests, andyan pa rin ung sudden tragedy na dumapo sa buhay ko. (a.k.a. passing away ng mom ko.)
anyway, 2007 na! kalimutan na ang mga masaklap na panahon nung 2006 at umasa na maganda ang ihip ng hangin sa buong taon ng 2007.
grabe.. ang dami ko palang mga new year's resolutions..
1. MAGPAPAPAKABAIT!!! that includes hindi na mangbabackstab ng teachers, hindi na magtatypecast ng teachers as mere employees.. di na aasarin si charmy (o kng sino man) araw araw.. :)
2. MAS MAAGA NA!!! that includes mas maagang aalis ng bahay para di malate.. :), iiwasan ang pagcram..
3. MAGTITIPID!!! yup.. tigil muna sa pagbili ng su doku at kung anumang libro.. di na gagastusin ang load sa mga ktv.. :) di muna bibili ng mga cd na ayaw naman gumana.. at kung ano pa..
4. BETTER PERFORMANCE!!! sa acads (kelangang malampasan ang 1.22!), sa contests, sa pagiging class treasurer (oo.. mangongolekta na ako! kaya sana di nyo pa nagastos mga pamasko sa inyo ng mga ninong nyo.. :) kasi ang laki ng utang ng buong electron!! haha..).. at iba pa..
5. MAGWOWORKOUT NA!!! asa pa..
ewan.. wala nang maisip.. cge. happy new year sa lahat! wag kumain ng sobra.. lalo na ang mga mp at alpha.. baka madaling mapagod sa pinakaunang pt ng taon.. :) at sa iba.. tumalon ba kayo? ako oo.. sa banyo.. :) jowk.
metamerism reminisced his memories
|12:34 AM|