first post! hehe.. pang-ilang blog ko na ito..ewan ko.. pangatlo ko na ata 'to.. ipopost ko sometime ung url nung unang dalawang blog ko.. although wala nang maxadong makukuha dun.
di pa nga maxadong maayos eh.. pag may time ako.. aayusin ko. eh andyan naman ung buong bakasyon. bakit di ko xa naayos? kasi wala ako time, i think. bakit? read on.
dec 8: last day ng 'classes'. paskorus at outreach un. congrats nga pala sa diamond '09 at Be '08! (although mas magaling pa ata ang gluon at charm '07..)
dec 8-9: dahlia overnight!! oh yeah. dorm ni nico. :) second time ko na sa isang dahlia overnight. anyway, madami kaming dahlia na pumunta. something like more than 20. basta enjoy kami lahat (except si louie ata na buong gabi ay niyayakap ni jerico.. yak..). the next morning ay nagbreakfast kami lahat sa mcdo na malapit sa dorm ni nico. tapos nung hapon nanood kami ng 'nativity story' sa sm san lazaro..
dec 10-12: pinoy project. kumag kasi yang project sa pinoy. although next year pa ung deadline, habol namin ung bonus (eligible ung bonus hanggang dec 15). paano naman kasi... kung sana hindi lang namin kelangan ung bonus eh di ko dapat pinroblema itong proj ngayong bakasyon. ang project ay comics ng ibong adarna na ginawang acetate.. group proj sya... kaya lang ung ibang groupmates ko binigay sa aking ung parts nila. kaya kelangan ko pang ibigay sa groupmates ko na magpeperio pa lang dahil sa intel.. kaya pumunta ako ng pisay nung dec 12. buti na lang andun dn c kj.. kaya sa kanya ko nabigay ung proj..
dec 12: training. isa pang dahilan kung bakit ako pumunta sa pisay nung dec 12 ay dahil may training kami. math contest. bukas. ang galing no,... kaya habang may perio ang mga intel people.. may training naman kami.
dec 13: Math Madness 2006. a.k.a. memory game. dahil sa math madness na ito ay gumising ako ng 4:30. nice. tapos nagcommute ako ng 5:00. kelangang makarating ng pisay ng 6:00.. accdg. to sir petri para daw makarating kami ng up manila by 7:00. per pair ang team. apat ang pinadala ng pisay: steph'08 at tobit'08 (ikee..).. ramon at virgil (ang mga alamath).. ivan'07 at marko'08.. at ako at si anapat. di umabot ang team ni ivan sa semis. hindi umabot sina ramon sa finals. (weird, no..) kaya ang umabot ay ang steph-tobit 'luvteam' at kami ni anapat. first ang luvteam.. second kami ni anapat.. third ang ateneo...
bakit nga pala memory game? pano ba naman kasi ang sipag gumawa ng tanong ang mga in charge ng math madness. ginamit ni sir petri ang questions from mathira mathibay 2004 nung training namin. nagkataon na ang mga ginamit ng math madness ay ang exact questions. siguro naiba lang sa given dahil dinodoble, o iniiba ung names ng figures o nung tao na kasama sa problem (pero walang relevance sa question.) gulat nga rin kami kung bakit lahat ng 5 teams ng chiang kai shek ay umabot sa semis pero hindi sa finals. un pala ibang mathira mathibay questions ang ginamit nila nung training nila. oh well. congrats pa rin sa pisay.
dec 14-17: wala lang. wala naman akong maxadong nagawa kasi gulat pa rin ako sa fact na nagsecond kami ni anapat. ineexpect ko kasi na maging patalo ako.. kasi pairs lang ang naglalaban. eto ang first interschool contest na sinalihan ko na hindi group.. and since hindi ako maxadong magaling o mabilis sa math (inaamin ko.. sorry.). buti na lang namemorize ko ung answers sa training namin..
dec 18: get together with sir nat. pinapapunta ako ni sir nat nung monday. magchecheck ng perio ng mga hinahandle nyang '08. nice. naging pa na ako ni sir. joke lang po, ha.. sinubukan ko rin ung test. aus lng xa, although nung chineckan ko ung ginawa ko.. something like 35/40 ako. walang nakaperfect. after nun, naglunch kami ni sir sa gateway. 5 pm. call that a delayed lunch. :) nagteriyaki boy kami. at dun ako tinuruan ni sir nat na magchopsticks. nakakairita nga lang eh. pinagtatawanan ako ni sir nat habang di ko makuha ung kanin. oh well. practice makes perfect.
dec 18-23: goodbye, ym. nasira computer namin!! i am so out of touch from many kasi di ko maxadong ginagamit phone ko. anyway.. wala akong magawa.. sira naman computer namin. kaya bumili ako ng cross stitch thingy at nagtahi na lang ako. di pa nga xa tapos eh. ung pattern ay si garfield na nakalutang kasi nakahawak sa balloons. buti na lang naayos siya nung dec 23.
dec 23-27: reunion! wala ako sa house from dec 23-27. nasa house ako ng cousins ko somewhere sa caloocan.. todo enjoy.. tapos ang saya ng pasko namin kasi nag movie marathon kami. tapos super dami ng food!!
dec 28. 15 na ako!. ayan. nagdadownload pa lang ako ng ym.. habang kumakain ng cake. 15 na ako!! happy birthday to me..
ayan. kaya wala akong time para mag update. try ko pa ring ayusin ang blog ko.. pero ryt now.. cake muna at a date with victor hugo. see 'ya! :)
metamerism reminisced his memories
|5:01 PM|